Lunes, Setyembre 28, 2015

'

    "PAGKAKAIBIGAN"

           Sabi nila sa tunay na kaibigan mo lang mararamdaman yung kakaibang SAYA,TAWANAN, KULITAN at ASARAN. Sa oras ng LUNGKOT at SAYA lagi lang silang nandyan upang damayan ka. Sila ung tipong sasabihan ka ng mga negatibo mong ugali kasi totoo sila . Hindingb hindi ka iiwan sa era na parang hindi ka nila kilala.



 Kaming magkakaibigan hindi perpekto ang samahan pero ang pinagkaiba namin kung meron mang hindi napagkakaunawaan at hindi napakakasunduan ay aming pinag-uusapan. May mga tampuhan pero isang lambing lang ay sapat nang kapatawaran.


 Halos pare-pareho kami ng libangan. Mahilig kumain, magkwentuhan, mamasyal at higit sa lahat mag-selfie:))! 

 Lahat ng bago naluluma,ang tao tumatanda,ang ganda ay kumukupas.Pero ang tunay na KAIBIGAN  ay hindi nagbabago.Sabi nga nila ang tunay na KAIBIGAN ay parang pera, mas marami mas masaya, kapag kulang nakakalungkot at pagpeke, hindi tinatanggap.


 Sabi nga sa kantang : AWIT NG BARKADA

Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob 
Pagmumukha mo ay hindi maipinta 
Nakalimutan mo na bang tumawa 
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa 

"Kahit sino pa man ang may kagagawanNg iyong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay kungMinsan ay nagbibiro Nandirito kami, ang barkada mong tunay Aawit sa 'yo Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa Kami'y kasama mo"







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento