Biyernes, Setyembre 18, 2015

Ang Aking Eskwelahan
       Ano ba ang hanap mong paaralan? Ito ba’y isang pribado o publikong paaralan? Isip-isip..........
        Ito ang aking eskwelahan, isang Pribadong paaralan sa San Fernando, La Union kung saan hinuhubog ang pagkatao ng bawat mag-aaral at empleyado.  
         Pinamumunuan ng isang masugid at masipag na Pari ng isang Kongregasyon. Ito ang eskwelahang hindi lamang katalinuhan ang binibigyang-pansin kundi pinapahalagahan din nila ang relasyon natin sa Panginoong Diyos.
         Maraming magandang lugar na mapupuntahan sa eskwelahan namin: Una, siyempre uunahin nating hanapin ang Canteen kung saan maaari kang tumambay at kumain; Pangalawa, maaari kang pumunta sa Peace Garden kung gusto mong maglibang ng mag-isa at kung gusto mong mag-ingay; Pangatlo, masarap ding maglakad-lakad sa Hallway lalo na kung ikaw ay pormado basta ang mahalaga wala kang nasasagasaang tao at higit sa lahat, ikaw ay marespeto kapag may guro kang makakasalubong; Pang-apat, maaari kang pumunta sa Library kung saan tahimik at maaari kang magreview ng mag-isa. Mayroon ding Discussion Room kung kailangan mo ng mga makakasama sa isang Gawain; Pang-lima,maaari kang pumunta sa Youth Garden kung saan kapag hapon ay napakagandang tumambay dahil sa mahangin; Pang-anim, pumunta ka na rin sa Cafe Louisiano kung saan maaari kang uminom ng napakalamig na Milk Tea na siyang magreresolba sa uhaw mo at pang huli nandiyan ang chapel kung saan maaari mong puntahan kung nais mong  makausap ang Diyos. Maaari kang maglabas ng sama ng loob, humingi ng patawad o tulong sa ating Panginoong Diyos. Ito ang pinakamainam na kailangan ng paaralan sapagkat sa dami ng problema kailangan din natin ng lugar na mapaglalabasan natin n gating problema at hingin ang kanyang tulong at gabay upang maging maayos an gating buhay bilang mga estudyante at empleyado. Marami kang pwedeng gawin dito sa eskwelahan naming. Masaya ang maging isa sa mga mag-aaral dito dahil iisa lamang ang tungkulin namin­g kailangan makamit at iyon ay ang maging Sentro mo ang Diyos , maging Misyonaryo at ikaw ay magtagumpay sa misyon mo bilang estudyante.
        Magagaling ang mga guro ditto. Pa’no ko nasabi ito? Ang mga guro rito sa amin ay hindi ka hahayaan sa iyong pag-aaral, tatanggapin ka kahit ano o sino ka man, at hindi sila magsasawang turuan ka sa bawat Gawain.isa rin silang napakagandang modelo sa bawat estudyante, na kung saan sila ang nagpapaganda sa eskwelahan na ito sapagkat kung walang mga guro wala ring silbi ang magagandang gusali na nakatayo sa isang eskwelahan, hindi ba? Masasabi kong ang eskwelahan ko ay isang napakagandang halimbawa sa bawat mamamayan sapagkat dito ang “Training Ground” mo bilang estudyante.
Ito ang eskwelahan ko kung saan matututo ka talaga, hindi lang sa katalinuhan ngunit tuturuan ka nila kung papaano maging isang mabuting tao. Ito ang eskwelahang may pakialam sa mga estudyante niya at ako handa akong sabihin sa inyo na ang eskwelahang ito ay para sa Diyos at para sa Lupang Hinirang.
Ano pa ang hinihintay niyo? Ito ba ang nais niyong paaralan?  Dalawin niyo na ang aming paaralan at tiyak ito ay inyong babalikan at pipiliing maging tulay tungo sa inaasam mong pangarap.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento